Saturday, July 29, 2006

Isa pang hirit. Who is number 1 - part 3

Nakakatuwa ngunit patuloy na nagbibigay kulay ang isinulat kong ito. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit tagalog ang gamit ko ngayon. Minsan, mayroong nagmungkahi sa akin na nagngangalnag Olga (hindi ko alam kung tunay nya itong pangalan) na sana raw ay magsulat ako sa Filipino para mas maraming makaintindi (hindi ko alam na marami-rami na rin naman palang nagbabasa ng blog kong ito noong kasipagan kong mag tala dito.) Mayroon ding pumuna sa akin sa paggamit ko ng salitang Tagalog sa isa kong tula . Matatagpuan ito dito. Pakihanap na lang ang klomento ni Juan_Bahag. Pero, hindi po ang mga iyan ang dahilan kung bakit sa tagalog itong talang ito. Paki-tuloy na lang po ang pagbabasa nang malaman ninyo kung bakit. Salamat.

Ang kahulihulihang komento na natanggap ko sa unang parte ng seryeng ito ay tila bumabatikos sa isa pang nagkumento (pareho silang hindi nagpakilala) na mali-mali ang grammar ng isinulat nito. Sa suma total, sinabi nyang nakakaawa naman daw tayo dahil daw ang isang nakatapos ng MA, sa UP pa mandin, ay mali ang istrukturang ginagamit sa pagsulat ng ingles Bukod dito, sinabi niya pang Tama nga ang kasabihan na ang matsing, damitan mo man ng magarang damit ay matsing pa rin. Wag na lang mag-ingles kung mali naman ang grammar. Marahil ay isa siya doon sa mga taong maalab ang damdamin pagdating sa wika.

Sa aking sagot, sinabi ko sa kanyang huwag masyadong magmadali sa paghuhusga. Mayroong mga taong nagmamadaling maisulat ang kanilang gustong sabihin na hindi na nag-eedit pa dahil maaaring nagmamadali o natatakot na baka mawala ang kanilang iniisip na mensahe. May mga kaibigan akong manunulat na mali-mali ang spelling at grammar dahil dito. Mga amerikano pa ang karamihan. Ngunit hindi kailanman nabawasan ang respeto ko sa kanila pagkat alam kong magagaling silang mag-isip at tunay na dapat kong pag-ukulan ng panahon ang kanilang mga sinasabi. Isa pa, ako rin kadalasan ay mali din ang grammar na gamit dahil ako naman ay hindi nakatapos ng English o Language man lang kundi Fine Arts. Ang aking English ay talagang oido (sa tenga) lamang - kung tama ang tunog, tama siya sa akin. Dahil dito, minsan ay talamak ang aking SV agreement at lalo na ang tenses.

Isa pa, hindi lahat ng tao ay binigyan ng angking talino sa pagsusulat o pagsasalita ng kahit na ano pa mang wika, lalo pa ng kakanyahang matuto ng ibang lenggwahe. Samakatuwid, mayroong mga taong sadyang magaling magsalita o magsulat ng inggles, marami rin namang hindi. Baka naman hindi siya talagang sanay magsulat dahil iba ang kanyang propesyon. Hindi naman kasi lahat ng propesyon ay kailangan ng kagalingan sa pagsasalita tulad ng mga abogado, (kahima't nitong mga nakaraang taon ay may mga pag-aaral na nagsasabing bumaba na ang kalidad maging ng mga abogado sa paggamit ng ingles), manunulat o maging ng isang politiko. Sinabi ko pa sa aking sagot na ako'y mayroong mga kaibigan na mga inhenyero, pintor atbp na magagaling sa kanilang mga trabaho ngunit hindi magaling sa ingles. At hindi ito naging balakid man lang upang maparating nila ang kanilang ibig sabihin sa akin. Nagkakaintindihan kami. Sabi nga sa Desiderata, at pakinggan mo kahit sino sapagkat kahit ang isang mangmang ay may sariling karanasan at kwento.

Karamihan sa atin, maaaring kasama na ako, sampu ng aking mga kasamahan sa paaralan, ang nag-aakalang ang kahinaan sa pagsalita at pagsulat ng inggles ng isang tao ay patotoong may kahinaan ang utak nito. Ano nga ba ang nangyari at marami sa atin ay nag-aakala nito? Sa aking palagay, ito ay dahilan sa pagkakasakop ng mga banyaga sa atin. Marami nang naisulat tungkol dito at ako ay lubusang naniniwala na ito ay totoo. Unang-una na ay ang ating pananaw sa kung ano ang maganda o ang ating aesthetic sense. Tingnan ninyo at maraming pilipino na nagpapakulay ng buhok, nagpapaputing pilit ng kanilang balat at pinatatangos ang kanilang ilong. Ito ay sa kadahilanang tayo ay pinalaki na ang kagandahan ay mula sa pamantayan ng mga puti. Ito ay bunga ng ating isipan (lalo na ng mga matatanda sa atin na umabot sa panahong tayo'y sakop pa ng mga amerikano - "uy tingnan mo ang sanggol, napakaganda, kulay mais ang kanyang buhok, ang tangos ng ilong at pagkaputi-puti." Ito ay sa kadahilanang ang mga puti, ayaw man nating aminin, ay naging mga "amo" natin kung baga. Nakita ng mga matatanda na sila ay lubhang makapangyarihan sa loob ng ating bansa. Ang kanilang mga trabaho ay sa opisinang malamig (marahil, kung may air con na noon) at paupo-upo lamang sa isang tabi at mando ng mando na siyang nagdulot ng ating pagpupumilit na magkaroon ng "white collar job" at pagmamalit doon sa mga nagtatrabahong ang gamit ay ang kanilang mga kamay (blue collar jobs). Sa kabutihang palad, sa aking palagay ay unti-unti nang nababawasan ang ganitong mentalidad pamula nang sumapit ang pagtatapos ng siglo.

Ngunit sa lahat ng ito, ang pinakamatibay na dahilan ng ating maling batayan ng talino ay sapagkat ang ating pag-aaral ay nakasaad sa wikang ingles. Natural, dahil ang ating pinag-aaralan ay sa wikang ingles, naging dalawa ang aiting pinagsusumikapang gawin. Matutong intindihin ang wika kung saan ito ay nakasaad at pagkatapos ay ang malaman kung ano ang konseptong nakalakip sa mensahe nito. Kaya lumalabas na iyung magagaling uminggles ay tumalas ang utak at karamihan doon sa mga hindi ay nawalan naman ng ganang magsumikap o hindi na nagpatuloy sigurong mag-aral ng mabuti - (basta pumasa lang, ayos na). (Iyan ay hindi pa kasama ang kakanyahang makapagtustos ng pag-aaral ng magulang o ng mag-aaral na sustentuhan ang kanyang pag-aaral).

Tunay nga bang kung magaling umingles ay uunlad ang ating bayan? Hindi po. Sinabi ko na noon na maraming mauunlad na bansa na nag-aral gamit ang kanilang sariling wika tulad ng Japan, Germany at marami pang iba. Kung sila man ay nag-aaral ngayon ng wikang inggles, ito ay dahil sa gusto nilang mapalawak pa ang kanilang emperyo at hindi upang mapaunlad ang kanilang sarili.

Kung inyong mamarapatin, pabayaan nyo po akong makapagbahagi ng aking saloobin dito. Ako po ay naniniwala na ang lenggwahe ay isang magandang paraan upang masupil ng isang mananakop ang isa pang kultura at kamalayan ng isang nasyon. Kaakibat kasi nito ay, ganoon na nga, ang pagbabago ng aesthetic ideal o kung ano sa tingin niya ang maganda ng nasasakop. Paulit-ulit ko nang sinabi dito na noong ako ay lumalaking teen-ager (medyo may katagalan na ano?) ang mga awiting naglipana sa ating himpapawid ay pulos ng mga banyaga. Lumaki akong nakikinig sa rock, jazz at folk songs ng mga amerikano. Ang mga mayayaman ay kinakausap ng inggles o kastila na, sinadya man o hindi ng kanilang mga magulang, ay lalo lamang nagpalawig sa kaibahan ng mahihirap sa mayayaman. (Ang Filipino ay ginagamit lamang sa mga katulong o kung hindi man, ay nagpupumilit ang mga katulong mag-inggles na nagdulot ng mga salitang "Mamaya na me" at "You make tusok-tusok the fish ball" na totoo namang napakasakit pakinggan. Salamat ng lang at nabuksan ang daan para sa mga kumpositor tulad ng Juan dela Cruz band (Himig Natin) at ni ginoong Jim Paredes na isa ring blogger, at karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakikinig na ng musikang sariling atin.

Kung ang kamalayan ng isang bayan ay nakatuon sa isang wikang hindi kanya, natututunan niyang yakapin ang lahat ng gawi ng mga taong gumagamit ng wikang ito. Ito ay sa kadahilanang ang wika ay kultura. Lahat ng "nuances" at "idiosyncrasies" ng mga puti ay ating namana na rin. Hindi ba't parang nakakainsulto na ang maganda sa atin ay yaong mga kabaligtaran natin? Marami ang nagsasabing huli na raw para baguhin ang ating "medium of instruction" dahil mahihirapan nang i salin ang mga terminong teknikal? Gaano ba kahirap o kaselan ito? Hindi ba't nang bago naman tayo matuto ay pinagaralan din natin ang mga kahulugan ng mga terminong ito, maging ito ay sa inggles, pranses o aleman? Samakatwid, parating may umpisa, hindi ba? Dapat bang lahat ng termino ay isalin pa natin o pabayaan na lang nating gamitin ang mga orihinal na katawagan sa mga ito?

Para lalong gumulo ang usapan, dapat nga bang baguin ang "medium of instruction" dahil sa mga nabanggit ko? Ah, para diyan sa bagay na yan, basahin na lang ninyo ito at ito ay natalakay ko na rin naman. At kung sinisipag pa rin kayong magbasa, pakituunan ng pansin ang palitan namin ng kuru-kuro ng isang nagngangalang Arturo Arbera sa bandang huli. PAra kayo'y ganahan ng kaunti, ang huli niyang banat ay ganito: "magaling daw mag-Ingles ang mag PIlipino. mayaman ba tayo. ikaw na mahilig mag-Ingles mayaman ka ba? mag-isip ka nga."

33 comments:

Anonymous said...

Tito Rolly, I have strong feelings about this post but hindi ko alam kung dapat ba ang sagot ko na ito ay sa wikang Tagalog o sa wikang Ingles.

In the past year that I have blogged, I have received many criticisms about my not being able to express myself in Tagalog or Filipino (the truth is we, in the nonTagalog speaking provinces, even if they want to call it Filipino, feel that our "national language" is in fact mostly Tagalog). Gustohin ko man na sumulat o magsalita sa Tagalog, we are (SADLY) ill equipped to do it ... for no fault of our own. Can you really expect nonTagalog speaking provinces to teach us Filipino in the manner that you - from Luzon - speak and write it?

Even if our English grammar is not perfect - just like our Tagalog is not perfect - sadly, we can express ourselves better in English than in Tagalog. And that's why we blog in our not-so-perfect English ... not because we are rich but because we want to tell something in our not-so-perfect Tagalog or less-than-perfect English. So what is wrong with that? Does that make us lesser Filipinos than the rest? Does that make us "hilaw na kayumanggi"? Bakit naman kailangan pintansan kami?

If we blog - or write our comments to blogs - it is because we want to participate and express ourselves, Ingles man o Tagalog o sa wikang Kastila o Frances o Intsik ... ano naman ang masama doon?

I have not yet read all the links to this post. But I surely will take the time to read them.

I am sensitive to this issue kasi, in the past year that I have blogged, maraming nagpipintas sa amin - we who can't express ourselves well either in Tagalog or English.

It is as if they want to tell us: if you cannot express yourself in perfect Tagalog or English, then SHUT UP!

Thank you, Tito Rolly, for taking up this issue.

Svelte Rogue said...

hello, tito rolly! kung may panahon ka, pumunta ka sa site na itich: http://66.232.148.140/blogs/tennisworld/index.asp

i search mo ang aking handle na "svelte rogue" at makikita mo kung paano ako napag initan ng mga tulad ni daylily, isang matandang titser sa amerika. tinawag pa niya akong "kiddo" in such a patronising tone that made me thing, "whereverrrrrr, i'll ignore you from hereon." and that was after i tried to engage her in light talk After ko siyang pagsabihang wag mamintas ng mga ibang poster sa forum na hindi magaling mag ingles. hay, when i remember her, napapabuntung hininga na lang ako kasi ang yabang niya talaga. anyway, highway...

about this issue, magbabahagi ako ng aking personal na karanasan.

i'm supposed to know english in and out because i'm an engilsh teacher. when i was younger, i wore that credential like a gold medal, feeling ko isa na ako sa angat sa mundo, mundong pinas, at least. but as i got older, and met other people in my line of work that was not teaching-related, as i had more encounters with people from all walks of life, it ceased to matter to me if i kicked major ass with my english proficiency, because there really is more to a person than just his or her language proficiency.

i had the fortune of attending a trainor's training seminar for three months in the UK 9 years ago, funded by a project of the british council and DECS at the time for us teacher trainers to come back and help train the country's public school english teachers... ambitious project talaga at sinuwerte ako na maisali sa group of 60 teacher trainers, kasi tingin ko sa trip kong yon dati, junket to the max. i wasn't really into the training as much as the others kasi i was more into seeing london, wimbledon, and continental europe. but that's another story. i digress!!!

anyhow, i was lucky enough to become a teacher trainer of english teaching... and one pearl of wisdom, or knowledge, that has stayed with me since that seminar was this: lack of proficiency in the language does not translate to lack of cognitive functions and abilities, or in short, intelligence quotient, or smarts by the books. like you've said, dami mong kilala na ubod ng talino na hindi magaling mang-ingles.

ganon din ang naging karanasan ko, and it has been very humbling. because i have scaled down the importance of my english proficiency, it's as if the doors of my common sense, which most probably resides in the heart, has been opened wider and i have been able to welcome more experiences and encounters with people who english-speaking snobs, whether american, british (the so-called native speakers of english, baaahhhh, they can eat my put-put for all i care, but i'm getting carried away by emotions again), or pinoys (really, i cannot stand pinoy elitistas who think english is a status english, pakyuuu), put down.

i remember when i started embracing this anti-spokening-dollar mentality. college pa ako non. my boyfriend, high school classmate ko sa isang american school at nag-aaral sa NYU, came home. siyempre kahit pinoy siya, american accent siya at hindi siya magaling magsalita, ngunit nakakaunawa naman. i would mentally go against the grain, the grain being the propensity to speak in english as is my natural wont, and speak to him in tagalog. in my early 20s it was a conscious effort. now in my mid 30s, it's a different story. i actually find myself groping for words in english when i have to interact with my belgian friends and classmates, and in that tennis forum filled with self-important americans.

in the end, para hindi tumaas blood pressure ko sa mga ungas, i remind myself na lang of what's important... in that tennis forum, tennis. in my day-to-day dealings, life and love and dignity.

haba ba? i hope i have entertained. =)

Svelte Rogue said...

tito rolly, after reading my comment i am mortified by two things:

the thousand and one grammatical errors in my previous post (horror movie) and the rambling discourse that seemed to say nothing much.

my previous post turned out to be the rantings of a frustrated woman who, it seems, cannot fully express herself in english! and i'm supposed to know how to do all that! LOL

my apologiese for such disorganised thoughts. i did not mean to sully your blog with such rubbish.

anyhow, i'm always here, one of your thought-less readers, supporting you every inch of the way.

Anonymous said...

sa palagay ko, wala sa hulog kung magtutuwid ng isang grammar deficiency ang isang kapwa komentarista. lalo na kung personal na babatikusin ang kahinaan nito, at lalo na kung wala sa tema ang pagbatikos.

totoong napakaraming magaling na inhenyero, tagapamahala, at kung sinu-sino pa sa kanilang linya ng trabaho na hindi magaling o di kagalingan sa ingles. wala namang kwestyon para sa akin ang bagay na iyon dahil ang karanasan ay batay sa aktwal na mga pangyayari at hindi lamang sa lengguwahe. ang punto ko lang, batid ng lahat na ang ingles ay pangkalahatang lengguwahe, kung kaya, ayaw man natin o hinde, kailangang may kaalaman kahit na kaunti. at dahil sa alam ng lahat ito, nararapat din na ang mga simpleng SV agreement, halimbawa, ay alam ng isang taong nasa posisyon. ang kagalingan sa isang bagay, sa linya ng trabaho o sa lengguwahe man ay nagdadagdag sa respeto ng nasa paligid. pero hindi ko naman sinasabi na ito lamang ang pwedeng maging dahilan ng pagbibigay respeto sa isang tao. mas rerespetuhin pa rin ang taong 'mas tao' kesa taong 'spokening dollar' pero masama naman ang ugali.

hindi ako sumasang-ayon na ang basehan ng talino ay ang galing sa wikang ingles. maraming magaling mag-ingles na bobo sa matematika o lohika. mas nakababahala ito para sa akin.

rolly said...

bugsybee I cna understand your difficulty in expressing yourself in Tagalog dahil hindi ka naman tagalog. You may have been given those criticisms simply because they did not know you are not Tagalog.

Besides, your english if perfect. I have read your blog for sometime now and I have yet to find an error in it. What is important in communication is being understood. Correct usage of the language can help a lot, of course, but I am more concerned about the message more than the medium.

Svelte tried the link but I couldn't find the comments you were referring to. I may have missed them if they were in that recipe exchange - gosh, 315 comments is a lot to read. hehe

Thanks for coming over and commenting. You can always rant here if this is the way you do it. Ranting but still relevant with the issue.

bing at maraming taong magaling umingles pero suplado. Salamat sa pagbisitang muli.

Anonymous said...

sir, couldn't agree with you or the other commentors more... speaking and writing good english is of ocurse a plus but it isn't necessarily the only thing that would matter in the end...the important thing is you are able to get your message across. even if you resort to hand gestures. btw, nahirapan pla akong basahin ung tagalog na 'entry'... hehe... it took me at least 2 visits to try and read everything and even then di ko pa nagrasp lahat ng ideas...

Anonymous said...

Blogs are for the expression of ideas, which can be personal. I think those critics who bugged bugsybee (no pun intended) have no basis to assess her fluency in Tagalog or English. They are not forced to read her blogs. They enter at their own free will and need not do so if they object to the way she writes. These critics have also not been appointed as guardians of Tagalog and English.

And what makes these critics think they have mastered perfect Tagalog or English, for the matter?

I believe svelte rogue when she commented, "...lack of proficiency in the language does not translate to lack of cognitive functions and abilities, or in short, intelligence quotient, or smarts by the books."

batjay said...

sino ba kasing gago ang nagsabi na basta magaling mag english eh matalino na? ang dami kong mga nakasamang mga engineer na hindi makagawa nang kahit na isang kumpletong sentence sa ingles pero napakagaling sa trabaho.

overrated talaga ito. ako nga eh barok mag english pero marami pa rin nagkaka crush sa akin. hehehehe. kahit pango ang ilong ko at kulay dark brown eh matulis pa rin.

:: said...

Tito Rolly Ang galing nitong serye mo tungkol sa edukasyon. Naniniwala akong nasa specialty iyan. Kung English teacher at hindi marunong mag-Ingles, aba, problema. Pero kung di rin naman konektado sa Languages, at kung rin naman direktang nakikipag-transaksiyon sa mga Ingles na tao, eh, wala talagang kinalaman.

Kuya Batjay Tumpak! Kung si Leonardo da Vinci nga eh hindi naman Ingles ang salita, matalino.

ting-aling said...

never mind the pronansyon as long as you get the idya...hehe

Tito Rolly, I guess if you are reading a published book or magazines, it does pay that they should be written well. That's what you're paying the book or mag for. However, if you get criticized for not writing well or straight in your blog, I think that's another story.

I remember a classmate who spoke well in English kasi yun ang "dialect" nila sa bahay nila but when asked to write a paragraph, nakupow, mali-mali ang spelling. Marami rin akong mga puting kakilala na hindi naman talaga marunong magsulat ng straight English. Pero bilib ako sa mga puti, kahit 3 years old pa lang, marunong nang mag-English..hehe.

I have so much admiration for people who speak and write in English well pero it is also equally important that you do not look down on people who cannot. Pareho lang silang tao. Afterall, minsan, mas succesful pa yung hindi marunong..

Another pet peeve..Elitist Filipinos who look down on people who speak in Tagalog...

(enough na nga!)

rolly said...

paolo thank you. masyado bang mahaba? hehe

bayi Hey, thanks for commenting although I know you are just getting the context of the post through Bugs' comment. Let me see if I can email you a gist of this blog.

batjay wala naman actually na nagsabi nun directly. Pero madalas kong maringgan ang ibang mga tao na sinasabi na mahina si ganito when in fact they're only basing it on the person's inability to communicate in english. So, basically, wala pa naman gago per se. hehe

tingaling Ako rin bilib sa mga Pilipinong magagaling sumulat sa english kasi ako rin naman nag-aral at nakatapos ng kolehiyo pero malayung-malayo silang magsulat sakin. Naiintimidate tuloy ako.

Anonymous said...

medyo nakarelate ako sa paksang ito. kamakailan lang kasi, ang isa kong kasama sa boarding house na pasado na sa lahat ng technical interview, bumagsak sa final interview dahil sa kanyang english communication skills. they are looking for a systems administrator and he is very well qualified for the job, with CCNA certification and 5 years of related working experience. sabi nga nya, kailangan ba ng good english communication skills kung nagcoconfigure ka ng server? dapat sana, grammarian na lang ang hinanap nila.

yun lang!

rolly said...

basang panaginip Hey, you're back! Akala ko nagtuluy-tuloy na ang hibernation mo eh. Mabuti naman at kaulayaw ka ulit namin sa cyberspace.

OO naman. Kung English teacher ka aba e dapoat lang na magaling kang umingles. How can he/she teach something he/she does not know?

Blogtimizer YAn pa ang isang nakakahinayang sa ating kalagayan. Dahil nga we equate the ability to speak good english to intelligence, parati isa ito sa mga considerations pag nag-aaply ka sa trabaho. Tama nga naman ang kaibigan mo, sana grammarian na lang hinanap nila.

Svelte Rogue said...

wow tito rols, there's nothing i love more than an active, lively discussion on something that is definitely more interesting than usual blog fare. hahaha i will not spare your other entries from the indictment but wow, i like this topic indeed.

yes, i am a ranter of late and commenting on entries is more my kind of thing lately. this is one of only two non-sports blogs i am slowly beginning to frequent... i don't have links on my "blog" (if you can call a multiply account a legit blog) but i have bookmarks... and well, you can expect to be hounded by me when something controversial pops up.

anyway, that was a lot of nothing, eh. basangpanaginip got me in the solar plexus with his comment about english teachers buffing up the teaching part. sadly, and i am not exempt, there are far too many teachers of english who don't knw that they are either teaching english the wrong way or teaching the wrong english. i have come across well-meaning teachers, totally in love with what they do, and yet unable to communicate their love of english to their learners, or teachers of english who are not adept with the language itself. in the latter case, sometimes it's a situation of "someone's got to do the dirty job" and i can only commend them at the end of the day for even taking on such a gargantuan task.

you know this, i know it, too: teaching in the philippines is a thankless job. too much work for too little money on scarce/non-existent resources. tragic.

Vicky said...

Hi Tito Rolly, 'di na sana ako mag-co-comment dito- pero di ko mapigilan ang sarili ko. I agree with you- Tagalog is not my native toungue kundi Ilocano/Pangasinan- Sa tutuo lang noong mag-college nalang ako sa Manila ako natutong mag-Tagalog-although I passed all my Pilipino high school subjects.
There are more non-pilipino speaking Filipinos in the Phils and in the world. Besides if you blog in pure Pilipino- you are just targeting the Pilipino-understanding audience. If you want your blog to be exclusively for Pilipino speaking people then write in 'pure tagalog'.
I wish that Filipinos could be more tolerant to their kapwa Filipino in as far as language goes. The Australians are even more understanding as they allow me to grasp for English worlds or check some of my grammatical error. I was often asked by Filipinos, ha? why I did not teach my children our national language. I ask them back- what for? they don't even plan to live in the Philippines and there's no use to them as they mingle with english-speaking people. I attempted to teach my 4 year old daughter when we just arrived in NZ but she got more confused as she speaks Ilocano, some tagalog and now English. Now that she is an adult, she is learning Japanese as she wants to live in Japan one day. So- my point really is, I respect Pilipino as our national language but please, personal usage is a matter of choice. I totally agree with bugsy too that it's sometimes easier to express myself in English (although I am not claiming that my English is the King's English)- good topic, Tito Rolly.

rolly said...

svelte YEs, I sometimes come up with entries that spark a good discussion.

Hound all you want. You are welcome to stay, even.

About teaching english... there is a difference, in term of syntax and semantics or whatever you call them, between, say, American and British english. Now, since we are an english-speaking country, I suppose there is a Filipino way, too, in terms of structure. I have been told that my sentence pattern follows that of a spanish or latino. NOw, I am not sure about that but native speakers of english catch that.

Vicky Maybe I was just targeting the Filipino audience this time. Actually, all native speakers of english are tolerant of our "english" even the "carabao english" of old. They'd rather understand what you're trying to say than be concerned about grammar. After all, not all of them understand grammar as grammarians do. It's just like a Filipino hearing a foreigner speak our language.

Svelte Rogue said...

oo tito rols, there are marked differences between US & UK english, especially when it comes to idioms, diction, and well, spelling. i never noticed na parang latino ang register mo, pero i guess that's something an american (especially those living near the shared border with mexico) would pick up...

ako nga, in spite of my penchant for using british-spelled words, nahahalata pa ring american english ang register ko. walang takas ako kay unkol sam...

as for filipino english, yes, there is such a thing, and it is NOT carabao english. english as an absolute form really cannot be claimed by the brits or the americans (we can blame chomsky for that darned term, "native speaker", it's complete hogwash from my perspective). sa anthro point of view, you can easily see how the language is "inculturated", as in theology, when christianity acquires specific culturalisms depending on where it is based. so don't get caught in the trap of labelling our kind of english as carabao english when it is simple filipinised english.

but discrimination based on language use is really there... and nothing gives me more perverse pleasure than showing up a native speaker at his or her own area of expertise... oh well, cheap thrill from my younger, impetuous years that hopefully has been weeded from my system!!!

Anonymous said...

Tito Rolly,
Wag sana kayong magagalit ngunit, ako ay nababahala na ang isang guro na katulad ninyo ay may makitid na kaisipan. Makitid dahil sa inyong mga pahayag, lumalabas na dapat huwag bigyang importansiya ang pagiging dalubhasa sa Ingles sapagkat hindi dapat ito ang maging batayan ng katalinuhan ng isang tao. Wala namang nagsasabing bobo ka pag di ka marunong mag-ingles. Ngunit sa panahon ngayon, napakaraming kompetisyon sa ibang bansa dahil sa internet, etc. Sinabi ninyo na ang mga Japan at Germany ay mayayamang bansa, Tito Rolly baka di niyo alam na napakataas ng unemployment rate sa Germany ngayon. Ang Japan, ilang taon na ring stagnant ang economy nila? Marami sa mga Japanese na homeless ngayon. Tapos gusto mong gumaya sa mga bansang ito? Sino ngayon ang malalakas ang ekonomiya? Di ba ang India, China, at Singapore. Maraming mga balitang naglalabasan na nag-iinvest sila para tumaas ang standard ng English sa bansa nila. Ang India, meron pa silang schools na nagtuturo ng tamang accents (American at British) para sa mga call centers nila. You have to think globally. Puwede mo namang ipakita ang pagmamahal mo sa wikang Filipino sa ibang paraan at di lang sa paggamit nito as "the medium of instruction" sa mga paaralan. Tulad na lang ng paglikha ng mga tula, etc. Sino ba ang mga bagong bayani? Di ba ang mga OFW's at mga Filipinos na nagpapadala ng pera sa mga kamag-anak nila sa Phils? Nakilala ang mga Pinoy (Engineers, nurses seafarers, etc.) sa pagiging marunong sa salitang Ingles. Eto kasi ang natatatanging kakayahan o "edge" ng mga Pinoy. Subalit ngayon, ang mga trabahong ito ay unti-unting napupunta sa ibang mga nationalities, dahil aside from cheaper rates, ang standard ng English sa karamihan ng mga Pinoy ngayon ay halos pareho na sa mga workers na galing sa China, etc. Makakain mo ba ang Filipino? So tanong niyo na "Hoy ikaw na magaling mag-ingles, mayaman ka ba?" Ang sagot ko diyan ay OO! (dahil nandito ako sa ibang bansa at nagamit ko ang kaalaman ko sa English, di lang nung interview, pati na rin sa trabaho ko) Eh ang tanong ko naman sa mga taong di nagsumikap na mag-aral ng Ingles, Hoy ikaw college graduate, na dapat pumasa sa English 101, may trabaho ka ba ngayon? O sa palagay mo ay naloko ka ng paaralan mo dahil ipinasa ka nila (sa English) kahit di ka naman pala karapat dapat?

rolly said...

Anonymous Bakit naman ako magagalit kung iyon ang iyong palagay. Isang bagay lang. Siguro ay ngayon ka lang napunta rito o hindi mo naman pinuntahan yung mga links na ibinigay ko dito. Kung iyong mamarapatin sana ay puntahan mo iyong aking isinulat na "Medium of Instruction revisited". Eto ulit ang link para hindi ka na mahirapan pa:

http://titorolly.blogspot.com/2004/08/medium-of-instruction-revisited.html#comments

Kapag nabasa mo na ito, balik ka ulit at sabihin mo kung makitid talaga ang utak ko. Mukha kasing mali ang konteksto ng pagkakaintindi mo sa isinulat ko e. Isa pa, yung komentong "Hoy, ikaw na mahilig mag-ingles..." ay hindi galing sa akin. Sana binasa mo munang maigi ang tala kong ito at inintinding maigi.

Sana rin, nagpakilala ka at marami na akong naging kaibigan sa net dahil dito.

Yun na lang muna.

Anonymous said...

Tito Rolly,
Sinabi kong makitid po ang utak ninyo dahil sumang-ayon kayo kaagad kay Blogtimizer at ang sabi niyo (dapat sigurong i-quote ko na kayo dahil sabi niyo na mali ang konteksto ng pagkakaintindi ko sa isinulat niyo) "YAn pa ang isang nakakahinayang sa ating kalagayan. Dahil nga we equate the ability to speak good english to intelligence, parati isa ito sa mga considerations pag nag-aaply ka sa trabaho. Tama nga naman ang kaibigan mo, sana grammarian na lang hinanap nila." I assume that when he said CCNA he was referring to, Cisco Certified Network Associate. Di niyo ba alam na sa IT ngayon ay importante ang salitang Ingles? lalo na usually ang potential Clients ay taga ibang bansa. Ba kung akala mong nagcoconfigure ng server ay di kailangang mag-Inlges e nagkakamali ka kaibigan. Dito sa amin ang IT engineer ay Malaysian. At nagrereport siya sa isang boss na taga Tsina. Ang means of communication nila ay English. Tito Rolly, andun ba kayo nung interview niya? Malay niyo, nung interview ay pang grade 1 pala ang ingles niya? Tapos sabi niyo tama ang kaibigan ni Blogtimizer. Then you also said na "we equate the ability to speak good english to intelligence. Parati isa ito sa mga considerations pag nag-aaply ka sa trabaho." Eh ba't ho kayo nag-gegeneralize? Sa tingin ko kasi, laging ang batayan ninyo ay nakapako lamang sa loob ng Pilipinas (Pero di porke nasa Phils. ka, ay di ka dapat magaling mag-ingles, abangan niyo na lang ang comments ko tungkol dito in the near future). You have to think globally. So sa mga sinulat niyo, dun ko nalamang makitid ang utak ninyo dahil you don't even know the whole facts and yet you agree with what he said. Pero ano ho ba talaga ang stand niyo? Magsimula na tayo sa English Language. Dapat bang ipasa sa English 101 and isang tao na mali mali ang grammar o "barok" kung magsalita ng Ingles? Take a stand.
"And in the choice he makes, is summed up the life of every man." (taken from "The Two Standards" by Horacio de la Costa, S.J.)

Svelte Rogue said...

parang ang lumalabas tuloy, you and anonymous are arguing on two different planes regarding this issue on english. he or she's arguing from the standpoint of economics, and no one can argue --- not the french, not the japanese, not the germans --- that english is the lingua franca of business and economics... in fact, i'm impressed when i'm in germany or the netherlands, and they give their announcements Always in four languages, and English is always one of them.

however, your point naman, tito rolly, may be that the identity of a natin is rooted in its own mother tongue, and that the great countries of this world are those who have respected the identifying nature language bestows on a culture, and shapes the national psyche and pride of a people... all these rooted in love of one's own language...

so i say, look at the thai's and the leaps they've made in advertising their unique culture to the world... the japanese, the germans, the french... fierce people with a fierce love for their own language, and barring the japanese and the french, you will see how germany will dominate the world in the next century, alongside china and india, two nations that value the power of english in the global arena.

rolly said...

Anonymous Now you tell me that your main argument is posited on my agreement with blogtimizer. I say that in the context by which this post has been written which you still seem to fail to grasp the full meaning of. Try to read between the lines, sir. My only argument is based on the fact that many english speaking Filipinos frown on those who cannot speak good english saying that these people are, if not dumb are less intelligent. Should one commenter berate another simply because the former speaks better english than the latter? That is only the point I was driving at.

As regards Japan, Germany which you say are in an economic decline these days, I only said that these countries developed notwithstanding their present situations, using their own languages. Didn't they do this? If they are shifting to English today, that is because, you are right, English is the lingua franca of business and they want to further their edge globally. But they did develop their technology even before the advent of English using their own language. Did they not?

Where in my post have you gotten the idea that my position is that the language used by an individual is synonymous to his patriotism? Nowhere in my post have I stated that, right? As for the medium of instruction, did you even bother to read through the link I provided you with? It seems your more wothy opponent is the commenter Mr. Arturo Arbera.

"Dapat bang ipasa sa English 101 and isang tao na mali mali ang grammar o "barok" kung magsalita ng Ingles?" I am a teacher. If that is the subject I teach and the student does not deserve to pass the subject, I shall fail him regardless of where I stand.

And still, you call me narrow-minded. I have no quarrel with you if that is what you think. But tell me, in this exchange of ideas, how come I can understand your position while you seem to have no idea what this post of mine is really about?

Just the same, thank you for coming over and commenting.

Svelte I will not argue too that the lingua franca for business is English. That is the reason why I said in an earlier post that we should not change the medium of instruction. But mind you, the chinese are beginning to be a force to reckon with, too. So, Mandarin anyone? :-)

Svelte Rogue said...

grabe pa ang galing ng strategy nila ha... sa dami ng fifols nila, they have enough people at home to give their economy robust growth figures... and their young and bright are getting educated in the best universities in europe and north america... learning the trade of the "enemy", ika nga.

they are so fiercely nationalistic, you can bet that given a choice, be loyal to their adopted land or to the mother land...? hands down most of them will choose china. don ako sobrang elibs sa kanila. ang home nila will always be in the middle kingdom.

rolly said...

I was reading my comments just now only to realize I made a lot of errors. Anonymous and Svelte, I think you get the message I want to make regardless of the mistakes, right?

Svelte Rogue said...

ok na sana, tito rols, kaso... don't you moderate your comments?

bwahahaha

Anonymous said...

Tito Rolly,
Matagal ko ng nakuha ang ibig niyong sabihin. Ang comments niyo ay dahil dun sa isang nagkomento nung "matsing..." Di ho ba? Nabasa ko na rin po yung tungkol sa "medium of instruction." Ngunit kung babasahin niyo ang aking komento, ang aking isunulat ay "Makitid dahil sa inyong mga pahayag, lumalabas na dapat huwag bigyang importansiya ang pagiging dalubhasa sa Ingles sapagkat hindi dapat ito ang maging batayan ng katalinuhan ng isang tao." Di ho ba talaga namang sumangayon kayo kay Blogtimizer? Sinulat ko lang po yung tungkol sa medium of instruction, etc. dahil may mga sumulat kasi tungkol rito at gusto ko lang malaman ng mga tao rito kung ano ang aking palagay tungkol sa isyung ito. So sa tingin ko, ako po ang hindi niyo naintindihan marahil na rin siguro ay dahil nabulag kayo ng inyong damdamin na maging "defensive" dahil may sumasalungat sa mga sinabi ninyo. Ngunit kagaaya na nga ng mga sinabi ninyo, wala akong away sa inyo. Alalahanin niyo lang po na isa kayong guro at marami po ritong nagbibigay importansiya sa inyong mga opinion. So sa ibang tao na nakatapos ng computer engineering, eh baka nga di nila bigyang importansiya ang salitang Ingles dahil ano nga ba ang kahalagahan ng Ingles sa pagkalikot ng computer. Anyway, Tito Rolly, yaman din lamang na pareho tayo ng opinion tungkol sa pagpapasa ng isang estudyante sa English 101, ang tanong ko naman po ay, "Kung dapat pala ay ganito, bakit po napakaraming pumapasa sa kolehiyo na mali mali o barok mag-Ingles? Sino ho ba ang dapat sisihin, ang estudyante na dapat magsumikap sa pag-aaral, o ang guro na pinapasa ang di karapat dapat na estudyante?

Anonymous said...

Tito Rolly,

Ako po ay sumasangayon sa inyo na di dapat mangmaliit ng kapwa. Saganang akin lamang po ay dapat bigyan natin ng importansiya na maging magaling sa salitang Ingles. Kung nakagraduate ka sa kolehiyo, ay dapat mas mataas ang iyong kaalaman sa Ingles kumpara sa mga nasa High School o Grade school. At kung nakatapos kayo ng MBA o MA, ano ho ba ang ginamit niyo nung thesis/dissertation niyo? Nung "defense" ng thsesis niyo? Most likely, English di ba? Kaya wala hong masama na isa sa mga konsiderasyon sa pag-aaply ng trabaho ang pagiging magaling ng isang tao sa Ingles. May nagsabi na nga na sa kalakaran sa mundo, majority ay English ang ginagamit (lingua franca nga, sabi ni Svelte). Kung ikaw ay engineer, dapat naman na magaling ka sa math pero kung ang English mo ay barok o mali mali ang grammar mo, eh wala kang karapatan na maging engineer dahil paano ka pumasa sa kolehiyo? Habang nasa curriculum ang English 101, hindi mo pwedeng sabihin na nakatapos ka ngunit barok o mali mali ang English mo. At kung pumasa ka man, pero barok pa rin ang English mo, eh dapat ikaw ay magalit kaibigan dahil naloko ka ng iyong paaralan. At kung marami nga ngayong mga taong ganito, sa aking palagay, ay talagang napakababa na ng standard ng education sa Pilipinas. Tanggalin na lang kaya natin ang English sa college curriculum? Ano ho sa tingin niyo, Tito Rolly?

rolly said...

Anonymous Unang-una sa lahat, muli't-muli kong uulitin sa iyo na hindi ako kailanman nagalit o nabulag dahil may opinyong taliwas sa aking iniisip. Kung ito ang tunay na nangyari, dapat sana'y 1.) hindi ko na lang i-pinost ang iyong kumento (dahil ang blog na ito ay may comment moderation) 2.) sana'y lumaban na lang ako ng pang-iinsulto, at 3.) sana ay hindi na lang ako nagpaliwanag sa iyo. Au contraire, hindi ba't buong pagtityaga kong ipaliwanag sa iyo kung ano ang ibig kong sabihin? Kaya ang iniisip mong ako'y naging defensive ay walang paglalagyan sa palitan ng kuru-kurong ito.

Sabi mo ay naintindihan mong lahat ang isinulat ko. Salamat naman kung ganon. Isang bagay lang ang hindi ko maintindihan. Iyon ay ang iyong pagpupumilit na sinabi ko, bagama't sabi mo'y pahiging lamang, na di bale nang di matuto ng ingles sapagkat ito'y di naman talaga kailangan. Mata'y ko mang pakaisipin at balik-balikan ang aking isinulat ay hindi ko sinabi iyon kahit minsan. Iyon ay isang konklusyon na ikaw lang ang may abot. Bilang patunay, hindi ba't isinali ko sa aking post ang link na nagsasabi kung ano ang aking palagay tungkol sa medium of instruction? Na ito ay kailangan sa ngayon dahil sa globalisasyon at ito ang wika ng pangkamunduhang komunikasyon lalo na agham at negosyo? Iyon ay aking ginawa upang hindi maligaw ang mambabasa sa aking tunay na ibig sabihing - "Walang sinumang dapat umaglahi ng kanyang kapwa nang dahil lamang sa kahinaan nito". Lahat tayo ay biniyayaan ng kanya-kanyang talino at tayo'y hindi pare-pareho ng kakanyahan. Ito ay isinulat ko sa kadahilanang ako ay isang Pilipino na rumirespeto, hindi lang sa angking kakanyahan ng isang nilalang, ngunit pati na ng pagiging isang mabuting "host" na nagpapaunlak sa kung sino man ang bumisita sa akin dito at magbigay ng panahon para basahin ng maigi ang aking sinasabi at magbigay ng kumento - naaayon man o taliwas sa aking mga palagay.

Ating siyasatin yung iyong pinagkakaabalahang kumento ko kay Blogtimizer na siya mong naging dahilan upang ako'y tawaging makitid ang utak, hindi ba't wala namang nabago sa mga naging pahayag ko na marami sa atin ay nag-iisip na kapag mahina sa ingles ay bobo? Hindi ba't maraming "snob" na dahil sila'y magagaling magsalita ng ingles ay pinagtatawanan ang isang taong mahinang umingles? (Minsan pati na nga ang maling pagbigkas nito na hindi naaayon sa mga kano o ingles?)

Ang aking isinulat ay nakabase sa multiple intelligences ni Gardner. Masyado naman sigurong hahaba kung sasabihin ko pa kung ano ang mga iyon, diba? Ikinalulungkot ko at hindi ko ito babawiin sapagkat yan ang aking paniwala. Kung sa palagay mo ay makitid ang aking isipan ay malaya ka upang isipin iyon. Ako ay naniniwala duon sa nagsabing, "I may not agree with your stand but I will fight till the end for your right to say it." Kahit na ito pa ay derogatory. Derogatory in the sense na wala itong batayang tama at bagkus ay sinusukat mo ang aking kakayahang magbigay ng opinyon bilang isang guro.

Tungkol naman sa iyong pagakusa na ako'y nag-gegeneralize. Hindi ba't sa umpisa pa lang ay sinabi ko na "na marami sa atin, maaaring minsan ay kasama na ako, ang nag-iisip na kapag ang isang tao'y mahina sa ingles ay naihahalintulad natin sa pagiging bobo?" At pamula duon ay nagbigay ako ng aking palagay na kadahilanan kung bakit ganito. Uulitin ko, hindi ko sinabi, minsan man, na hindi importante ang ingles. Ngayon, sino sa atin ang nagsabing "Ikaw na bobong umingles, may trabaho ka ba?" Hindi ba't ito'y fallacious, at kulang sa lohika at pagkaka-ugnay? Kapag sinabi bang ika'y may trabaho ay matalino ka na (iyon ang pinag-uusapan natin - ang talino ng isang tao)

Natutuwa ako't ika'y may trabaho sa ibang bansa dahil sa, sabi mo nga, ay sa galing mong umingles. Nais ko sanang isiping dahil sa angkin mong kakayahan kung ano man ang iyong trabaho ngunit sabi mo nga, wala naman ako duon sa iyong interview.

Siguro ay dapat na nating tapusin ito at medyo marami na rin akong ginagawa. Ulit, maraming salamat sa iyong pagdalaw.

Anonymous said...

Tito Rolly,
I assume na ang tinutukoy sa "rolly said" ay kayo nung may sumagot kay Blogtimizer. So simpleng tanong lang, ano ho ang ibig niyong sabihin sa "Blogtimizer YAn pa ang isang nakakahinayang sa ating kalagayan. Dahil nga we equate the ability to speak good english to intelligence, parati isa ito sa mga considerations pag nag-aaply ka sa trabaho. Tama nga naman ang kaibigan mo, sana grammarian na lang hinanap nila." So kahit pala di ka magaling o barok ka mag-inlges ay dapat ipagsawalang bahala natin to pag nag-aapply ka ng trabaho? Ang nag-aapply ba ng trabaho e grade school o college graduate? nasabi mo rin yung tungkol kay Gardner, are you referring to Dr. Howard Gardner (from Harvard University) at ang eight intelligences that he defined? Kung titingnan niyo, ang verbal/linguistic and logical/mathematical intelligences "are essential for surviving and thriving in the world." Pero mukhang lumalayo na ang usapan natin. O baka naman sadya niyong pinalalayo dahil ayaw niyong sagutin ang mga tanong ko sa inyo? So sino ho ba talaga ang dapat sisihin kung may mga graduates sa kolehiyo na barok mag-ingles? Tsaka Tito Rolly, sa tingin ko kung wala sa curriculum ang Ingles sa mga paaralan natin from grade school to college, eh wala na tayong dapat pag-usapan. Tama kayo, tapusin na natin ang usapang ito. Actually may audit pa kami sa ISO: 9001-2000 at ako ang MR tapos di ko pa nagagawa ang IQA Plan namin. So sa mga tao rito, ang mungkahi ko lang sa inyo na pahalagahan ninyo ang Ingles. Ngunit nasasainyo yan, from the Invictus, "I am the captain of my fate, I am the master of my soul."

Talis vita, finis ita.

Anonymous said...

Sa mga tao rito na nagbibigay importansiya sa mga sinasabi ni Ka Rolly, alalahanin niyo na may kasabihang, "Those who can, do. Those who can't, teach." Yun lang at maraming salamat po.

ting-aling said...

Wow Tito Rolly, so meron palang action dito..hehe. Ang pagkakaintindi ko sa post ninyo is it is nice to be armed with good English pero it is not an indication that a person who isn't armed with such is "bobo". Hindi rin ito lisensiya ng mga taong magagaling magsalita ng English na laitin ang mga hindi masyadong nakakapagsalita ng English. Bottomline, walang taong mangmang sa mundo. Sabi nga sa desiderata: "Speak your truth quietly and clearly;
and listen to others,
even the dull and the ignorant;
they too have their story".

Yikes, naparami na naman ako.

Anonymous said...

Tito Rolly,

Pakibasa na lang yung sinulat ni Gil C. Cabacungan Jr. ng Inquirer, "Business urges focus on English, Science, Math" at ang nilalaman nito tulad ng, “It’s sad that there are many college graduates now who can’t even speak a straight sentence in English, much less write one. If we do nothing, our neighbors will surpass us in English -- a language we have been speaking since the Americans colonized the Philippines more than a century ago,” Tan says.

“We need to focus on English because we have to preserve whatever competitive edge we still have over our neighbors.”

Sa aking palagay, if we have to equate the ability to speak "good english" to intelligence, then so be it, kung ito lang ang paraan na ipamukha sa maraming Pinoy na dapat magbago na sila.

rolly said...

Anonymous I think that is already a known fact by today. We have to make big adjustments talga.