Salamat sa pagbisita mo sa aking blog. Ikinalulungkot kong sabihin sa'yong tila hindi ko kayang mapagbigyan ang iyong kahilingan na isaliln sa Tagalog ang mga sinulat ko sa panahong ito. Hindi kita kayang pagbigyan dulot ng maraming masalimuot na mga kadahilanan na habang ang iba ay madaling maintindihan, mahirap naman ang ilan.
Ang una ay sa kadahilanang kulang ang aking oras at marami-rami na rin naman akong naisulat dito. Sa totoo lang, ako ay halos hindi na natutulog upang makagawa lamang ng isang akda, kung akda man itong matatawag. kung minsan ay pinapalad din naman ako at nakakanakaw ng ilang saglit dito sa opisina upang makabisita sa ibang blog at makapagbigay komentaryo sa ilan. Hindi lingid sa mga bumibisita rito na ako ay isang guro at alam mo naman na ang pagiging guro ay hindi nagtatapos sa silid-aralin lamang. Ewan ko lang kung maniniwala ka na ang isang guro ay guro hanggang sa siya'y matulog. Bukod dito, ako rin ay isang ama, ng mga apat na bagamat malalaki nang mga anak, ay nangangailangan pa rin ng patnubay. Lalo pa't iisa ang aming computer sa bahay.
Pangalawa, at sa aking palagay ay napakahalaga, ako ay walang tamang kakanyahan upang isalin ang aking mga sinabi sa wikang tagalog. Alam ko na maaaring may mawala sa pagsasalin kahit pa ng isang dalubhasa dito. Huwag kang mabahala na baka ako ay nagyayabang. Bagkus, ako ay buong pagpapakumbabang nagsasabi na ang makapagsulat at makapagbasa sa ibang wika ay hindi ko maituturing na pribilehiyo . Unang una na rito ay kadalasang kulang ang aking kakanyahang isulat ng wasto ang aking damdamin sa limitasyon ng aking bokabularyo na siya rin namang dahilan kung bakit marami akong di naiintindihan ng tama sa aking binasa. Alam mo, ako ay isang biktima lamang ng pagkakataon. Ako ay tinuruang mag-isip sa ingles. Tinuruang magbasa, magsalita at magsulat sa isang wika na di ko naman kinagisnan. Sabi nga ni Heber Bartolome ng Banyuhay, ako ay tila isang asong di makatahol pagkat ako'y ngumingiyaw. ANg idiyoma na aking natutunan ay inggles. At dahil dito, isa rin ako sa mga nag-akalang lahat ng bagay na mula sa mga taong banyaga ay magaling at ang dito gawa ay mababang kalidad. Ang dali kong natanggap na ang magandang babae ay iyong mestisahin, matangos ang ilong, maputi, kulay mais ang buhok at mahahaba ang makikinis na paa. Ako ay natutong umawit at magkahilig sa mga kantang banyaga. Led Zeppelin, Black Sabbath, Grandfunk Railroad, CSNY, James Taylor, banggitin mo lang at alam ko na kung ano ang iyong tinuturan. Bigyan mo ko ng ilang nota at kakantahin ko na sayo ang awitin nila at sasabihin ko pa sayo kung anong taon ito sumikat sa Pilipinas. Sa aking murang isipan noon, pangit ang atin, maganda ang kanila. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ito totoo. Ito ay dulot lamang ng mga ipinarating sa akin ng maling komersiyo. Binugbog nila ang aking isipan na magaling sila at ako ay isang mangmang kung ako ay hindi maniniwala. Kaya sa aking palagay, hindi man nakatanikala ang aking paa't kamay, naibuhol naman ang aking dila, isipan at buong kamalayan.
Pangatlo, ako ay nagsusulat upang kahima't ako'y yumao at hindi ko na makita ang aking mga anak at mga apo, pwede pa rin nilang gawing gabay ang aking mga isinulat dahil nakapaloob dito kung ano ang nilalaman ng aking payak na pagkatao. Kung sila man ay sumunod o hindi, wala na akong magagawa. Maaari nga namang hindi na angkop ang aking mga sinabi. Pero ang importante sa lahat ay nalaman nila kung papaano ako nagdesisyon sa mga bagay-bagay. Iyon lang naman ang aking tunay na layon. Kung ikaw man, sampu ng mga taong bumibisita rito ay nasisiyahan o nakapag-iisip dahil sa aking mga isinulat, ito ay isang napakagandang bonus sa aking pagsusumikap.
Huwag ka sanang malungkot kung hindi man kita napagbigyan ng ganap. Ako naman ay makatuwirang tao. Kung mayroon kang gustong itanong sa akin o hindi naintindihan sa aking isinulat, iparating mo lang sa akin at aking pauunlakan ng aking sagot.
Muli, maraming salamat sa iyong pagbisita at pagbibigay sa akin ng pagkakataon na maibahagi ang aking isipan. Kung anupaman, nais kong ibahagi muli sayo ang aking salin ng isang tula na pinamagatang Desiderata na sa palagay ko ay naglalaman ng aking mga mithiin sa buhay. Ito ay matatagpuan dito. Puwede mo rin marinig ito dahil ito ay binigkas at inilagay sa internet ng ating kaibigang si Batjay at ito ay matatagpuan dito
Hanggang sa muli,
Tito Rolly :-)
26 comments:
Tito Rolly, ako po ay namamangha sa iyong pagkadalubhasa sa pagsulat sa ating sariling wika. Ako ay nagmuni-muni sandali, at nawari ko na ito ay isang kakayahan na matatamo lamang sa taimtimang pagbabasa at pagbigkas. Saludo po ako sa inyo!
Marahil ay malugod na iaalay ni Olga ang kanyang panahon upang isalin ang iyong mala-nobelang blog...?
Kahanga-hanga naman ang iyong pananagalog. Ako'y lubos na namamangha kapag nakakabasa ng mga artikulo tulad nito sa sariling wika na walang gatol. Ngunit tulad mo ako rin noong musmos ay pareho ng pananaw na ang kahit anong banyaga ay mas magaling kaysa katutubong produkto natin. Kaya ngayon ang tinuturo ko sa mga anak ko ay husgahan ang isang bagay ayon sa kanyang likas na katangi-an at hindi kung saan ito nagmula.
Wow! yan yata ang pinakamahaba kong naisulat sa Tagalog! Hehehe! Okay kang inpluensya Tito Rolly.
watson nakatulong siguro ang pagbabasa ko ng komiks noon. hehe Tanda mo pa ba yung panahon ng Liwayway,Espesyal, at mga manunulat na tulad ni Mars Ravelo at magagaling gumuhit na tulad nila Mar Santana? hehe Nagbunga rin naman pala ang pagbabasa ko noon kahit kaunti.
Celia Kusinera Marami akong natutunan kay Ca t na dalubhasang sumulat sa dalawang lenggwahe. At kay Bong K, Watson, Techguy... magagaling ang mga yan.
Mabuti naman at ganun ang itinuturo mo sa mga anak mo.
Matapoor natawa ko ng malakas dun a. Natigilan din ako dun kasi ano nga ba ang salin ng blog? Wala e, di ba?
Magandang araw po Tito Rolly,
Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyong maisulat sa tagalog ang blog ninyo. Kung magaling po lamang ako sa salitang Ingles, sana po ay maisalin ko lahat ng nilalaman ng blog ninyo sa tagalog. Sabi nga nila 'ang taong di marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa mabahong isda' Maaaring totoo sa mga tao na halos di na makapagsalita ng tagalog kahit Pilipino na ang kaharap nila. Ikinagagalak ko po kayong maging 'Propesor' Tito Rolly. Pipilitin ko pong intindihin ang mga nakasulat dito sa blog ninyo na nasa salitang Ingles. Hanggang sa muli.
Olga
mapatagalog man o ingles, ang luffet nyo talaga tito rolly! :)
sarap naman basahin ng post na to. :)
what about us who can barely understand Tagalog then?
(*tito I am just teasin*) sad to say, I will have to seek help in fully interpreting what you wrote in there but sooner or later I will get it :)
always exciting to read your blog however & whenever you write. Thank you for squeezing time to do so. Keep well...*hugs*
Tito Rolly, 'di naman kaya inii-stir ka lang no Olga? Meron akong mambabasa na humiling ng isang balangkas (outline) at listahan ng mga libro at dokumento para makabuo siya ng kanyang term paper. Sabi ko sa kanya, ina n'ya! Kanya-kanyang trabaho.
Kung saan ka komportable, duon mo isulat. May mga blog entriesna parang mas natural na isulat sa Filipino; meron di namang mas maganda ang dating kung sa iNgles. Lalo na kung gusto mong ipaabot sa mga hindi marunong mag-Filipino.
(aka pinayhekmi)
I couldn't read the whole thing. I know tagalog, I just dont KNOW tagalog. That well. Please don't start writing in pure Tagalog. The beauty of the English language is that it is so inclusive. It includes me, that is! There are so many great blogs out there that I don't read often just because of how difficult it is for me to understand and read written tagalog. Heed my plea, please?
Allan Hindi ko talaga nakaugaliang magsulat sa tagalog. Hindi ganon ang naging upbringing ko.
Oo nga, may blog ka na rin. Sige sulat na! :-)
Olga Salamat din sa iyong suhesstiyon at napag-isipan kong mabuti kung bakit hindi ako nagsusulat sa tagalog. Wag kang mag-alala, hindi naman ganon ako kalalim kung umingles at kung sakali man, meron namang dictionary.
Apol Lufet daw. Ikaw nga magaling sa Tagalog e. Salamat.
hanidinah Galing ng palindrome ng pangalan mo a. Salamat naman at nagustuhan mo to.
Cerridwen Don't worry. I am more comfortable writing in English as that was what I was taught in. :-)
Sassy Ikaw talaga... hindi naman siguro. Mukhang sincere naman ang request niya sa akin at hindi siya nanghihingi ng anuman. hehe I always see everybody as well meaning until proven otherwise. I guess I am a very trusting person. :-)
Yaps Matagal-tagal ka ring di nadalaw a. hehe
Sige, pagbutihin mo ang iyong asignatura at ng matuwa naman ang mga magulang mo. Malapit ka ng grumaduate. Una na kong babati sayo ng congratulations. Buti na iyong una kesa sa huli, di ba?
Tintin Hahaha. Okay. I will. Actually, surprisingly, despite the errors in grammar and sometimes wrong word choices, I still feel comfortable writing in English. So don't worry. You will always understand me. Understand what I'm trying to say, at least. Thanks.
My gudnes, unkel roli, yu ar so galing naman in da tagalog. how in da hole wayd world op the internet did yu kam up wid dose words layk 'bagkus' en 'pribilehiyo' en da beri hirap words like 'pagpapakumbabang' en 'nakatanikala' en 'ngumingiyaw' en 'james taylor'? So beri gud yu talaga! Yu ar da titser I am idolasizing bekows yu ar very bilingwal both in da inglish and da tagalog.
hehehe.. papatawa lang po. ang galing kasi eh :)
*i am not worthy... i am not worthy...* (in da tagalog, 'hindi ako kuluguhin...' ay, teka, warty pala yun, hehehe)
Ka Rolly,
una sa lahat ay binabati kita sa huling posting mo (Ayn Rand), hindi ako makasawsaw sa dami ng dumulog sa entry nayon, nabasa ko naman ang lahat ng mga nagbigay opinyon na ninais ko din gawin subalit sa di ko maipaliwanag na pagkakataon eh hindi ako mapahintulutan ng computer o nung kung ano pa mang kapangyarihan ng teknolohiya ang umaawat sa akin at ayaw ma-access ang comment box mo pag ako ay nag aatempt na mag bigay opinion na. malas lang siguro ang tyempo ko o siguro sa dami talaga ng lumusob sa entry na yon, nawalan na ako ng pagkakataon... mabuhay ka senor!
Natuwa ako at por da perst taym ay naglathala ka ng tagalog, sana ay hindi ngayon mo lang ito gawin (hindi sa gusto kong mahirapan umintindi ang mga banyaga nating kaibigan) pero tama nga si abogadang Sassy na kung saan ka komportable sa pag sulat at kung saan naaayon ang kagustuhan mo ay sya mong dapat gawin..
Mabuhay ka aking aydol!
ang pilipino sa "blog" ay "sklapablag" - yan ang tunog ng ulong nauntog sa matigas na bagay tulad ng salamin, pinto o kaya ay pader.
ang galing mo palang mag pilipino tito rolly. daig mo pa kami ni ate sienna. hehehehe. nakita ko naman doon sa "desiderata" translation mo, pero talagang nagkanda bulol ako sa pagbigkas noon. mahirap kasing bigkasin ang formal pilipino dahil malalim ang mga salita. mas mahirap siyang bigkasin habang binabasa dahil talagang nakakabulol. pero ensayo lang naman ang kailangan.
masarap mag salita ng pilipino, lalo na kung ang iyong kausap ay sanay sa pagbigkas. si randy david, kahit siya'y kapampangan ay magaling managalog. yan ang idol ko. ka apelyido ko pa. alam mo ang isa sa minsang kinaiinitan ng ulo ko ay kapag mga kapwa pinoy ay nagsasalita sa ingles. alam ko, minsan hindi ito maiiwasan. pero @!#$@%@$@^&*2, kung pinaguusapan ay pagkain, ayaw kong makarinig ng "you make tusok da pishbol" or words to that effet. aray, ayan nag english na ako tuloy. hehehe.
ang blog ko ay nasa pilipino dahil narito ako sa bansa na kailangan kong mag inglis. pag ako'y homesick at nananabik sa mga bagay na pinoy, ang pinaka aliwan ko at paraan upan mapalapit sa pilipinas (kahit narito ako sa malayong lugar) ay magsulat sa pilipino. alam ko mas maliit lang ang audience na babasa ng blog ko, pero what the heck - mas gugustuhin ko pa ang matae sa kakatawa ang sampung pinoy na tambay kaysa mabasa ng sanlibong banyaga na walang reaction.
ingat na lang at maraming salamat sa post na ito. maganda talaga at pakiramdam ko, napalapit ulit ako sa aking bayang magiliw.
oo nga ano... minsan ang galing ng iba mag english then sa tagalog mejo sablay hehehe...
hmm, To rolly, my profile isnt shared kc gusto ko limited ung nakakabasa...
http://thedefyinggravity.blogspot.com/
May mga pagkakataon na masarap gamitin ang sariling atin, but at times you'll be more at ease using English language. You are more than equipped if you know both. Sabi ko nga sa mga anak ko na dapat marunong silang mag-Tagalog or else para silang mga aso na hindi marunong kumahol. Nice blog you have here....
pasama rin,
first tenks to celia sa sinabi niyang may natutuhan siya
sa aking Pilipino.
second, tama ang sabi ni Sassy, mayroong mga topic na magandang isulat sa Ingles at mayroon namang maganda sa
Pilipino.
Sa akin mas maganda ang dating ng nakakatawang kuwento pag isinulat sa Pilipino.
tungkol naman sa pagsasalinwika (translation)ng blog,sa Pilipino, maari nating gamitin ang kahulugan nito sa Ingles na pinaiksing (web log) na "sapotsulat" (Me kidding,batjay wag kang kikibo't mag-isip ng may makulay na salinwika ng web) o kaya maari ring gawin nating kalabog na isang tunog-kahulugan ng blog.
Para sa akin,gagamitin ko ay "bog", pinaikli kong sinulat kong paghahambog.
meow...
akala ko eh "supotsalat". ngyehehe.
Sa wakas, I got through reading your entry. I am a little slower reading in Pilipino, but I get it, and I am awed by your words. I am embarassed to say I can't express myself as well in Pilipino as I do in English, but that is what I am and I accept it. We are a product of our upbringing and like you said, we all grew up idolizing the things that we are not. I hope that we can do better by our children and teach them to love who they are and the people they come from.
Great post as always!
Sir Rolly kahangahanga naman ang inyong pag-filipino. Kahit na ako'y medyo nahirapan kahit papaano naintindihan ko rin po
ang inyong sinabi. Ipagpatawad mo nalang at ngayon ay maiingles na ako.
You're probably wondering why I didn't finish my comment in filipino, this is because I sometimes have difficulty expressing
myself in filipino. I many times have to translate my thoughts first and stuggle to find words in filipino because my filipino
vocabulary isn't as adept as my english vocabulary. Although over time my filipino vocabulary is indeed improving and atleast in
school I speak filipino most of the time.
As you now know I am not as proficient in filipino as you are Sir Rolly. This probably could be attributed to the fact that I was
raised in a dominantly english speaking family. Heck I didn't even know how to speak filipino until I was taught filipino at Zobel. in
kindergarten they never attempted to teach me filipino, they automatically assumed I was a foreigner because of my foreign sir
name so they just spoke to me in english. Luckily my prep teachers at Zobel had a little bit more patience to explain to me what
each filipino word meant. Don't get me wrong both my parents were born and raised here in the philippines. My mom was raised
in Manila in a dominantly english and spanish speaking household. And my father in Bacolod City in a dominantly ilonggo
speaking household. You're probably thinking that my parents are so unpatriotic, not teaching thier kids filipino. In thier defense I
don't blame them at all. They always taught me to be proud of my roots and repeatedly remind me not to go abroad and serve my
filipino people no matter how difficult the circumstances get but they probably figured that I would eventually pick up the filipino
language outside (and they were right) and decided to hone my english communication skills. I quote "ang taong di marunong
magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa mabahong isda" if I remember correctly, Rizal said this in relation to
patriotism and nationalism but since when does speaking in english mean that you don't love you're country? Rizal himself did
not often write in filipino. He wrote his novels in spanish despite the fact that many filipinos (the people who obiviously were his
target readers) couldn't understand spanish, so I would assume that this was because he was MORE fluent in spanish than he
was in filipino therefore he could EXPRESS HIMSELF BETTER in spanish. Many people I'm sure would definitely contest what I
said and tell me, 'how can you love filipino if you don't even speak it!?!', I didn't mean that. I do speak filipino often, especially at
school,my filipino is just not as profound and deep. It is easier for me express my more serious thoughts in english but for light
everyday conversations I use filipino. Does this mean that in my sub-concious I think that America or Britain is a more superior
race? Possible but in my case highly improbable. Try to look at it this way, my parents thought it more important that they equip
me good english skills because I would need it more when I go out into the world on my own. Lets face it, in the corporate world,
in trade and commerce, in most fields of work, the language most commonly used is English and not filipino. Heck our
government uses English, most of our laws are in english. You can't deny the fact that it is a definite plus and asset to be fluent
in english. These days you don't even have to be intellegent to earn a good living as long as you speak english well you can
earn 30,000 a month at a call center.
In other words, ofcourse we have to learn to speak filipino for it is part of our identity as filipinos but on the practical stand point if
one were exceptionally well-versed in filipino, in the non-idealistic real world it wouldn't account for much as contrasted to one
who is well-versed in english. It may be a harsh reality but we all know for a fact that its true. :)
-Samantha
P.S. Sir, I got carried away AGAIN. hehehe :) I have the tendency to make really long comments in your blog sometimes even
longer that what I post in my own blog. I can't really pinpoint why, I guess reading your blog really motivates me to excercise my
critical thinking and that it is one of the few mediums which I can express my opinions without someone trying to shut me up
hehehe :) Thanks again sir :)
Muntik na akong mabilahukan sa kabuohan nang iyong panulat Ka Tito. Ikinalulungkot pa man din ang iyong unang pagpapaumanhing wika, yun naman pala'y di mo halos madamukat sa yong balintataw kung saan-saan nanggaling na talawikaaan ang iyong mga katagang baybay sa katagalugang wika. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makapasyal sa iyong mga itinala, bagama't may ilang buwan na rin akong sumubok magtala sa sarili kong sapot-talaan (web-log, angkop ba ito?). Totoong kaiga-igayang pakinggan nang wikang tagalog at tunay na nakakalibang basahin lalo pa't ang mga lathala ay kapaki-pakinabang sa balana. Mga paksang pangkalahatan, gaya nang pulitiko, kabihasnan, pangkarungan, pangsining, pang-agham o pangkalikasan man o kaya'y pangkultura. Di lingid sa ating lahat na mas dinudumog nang marami ang lathalang pang-tsismis o paninira, sa halip na pangkabutihan ang bigyan nang sapat na pansin. Mas malamang ang mayroon kang makikita sa isang bahay pinoy ang mga komiks o mga babasahing nakakasira sa halip na nakakatulong sa balana.
Ay naku patawad po....napapasubo ako sa panitik dine e, gusto ko lamang pasalamatan kayo sa inyong magagandang lathalain. Patnubayan nawa tayo nang Poong Maykapal sa lahat ng banal nating adhikain. Ipagpatawad po at cafamfangan kasi ako kung mali man ang pagbagtas kong pangkalahatan.
Tat z po laman!
Muntik na akong mabilahukan sa kabuohan nang iyong panulat Ka Tito. Ikinalulungkot pa man din ang iyong unang pagpapaumanhing wika, yun naman pala'y di mo halos madamukat sa yong balintataw kung saan-saan nanggaling na talawikaaan ang iyong mga katagang baybay sa katagalugang wika. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makapasyal sa iyong mga itinala, bagama't may ilang buwan na rin akong sumubok magtala sa sarili kong sapot-talaan (web-log, angkop ba ito?). Totoong kaiga-igayang pakinggan nang wikang tagalog at tunay na nakakalibang basahin lalo pa't ang mga lathala ay kapaki-pakinabang sa balana. Mga paksang pangkalahatan, gaya nang pulitiko, kabihasnan, pangkarungan, pangsining, pang-agham o pangkalikasan man o kaya'y pangkultura. Di lingid sa ating lahat na mas dinudumog nang marami ang lathalang pang-tsismis o paninira, sa halip na pangkabutihan ang bigyan nang sapat na pansin. Mas malamang ang mayroon kang makikita sa isang bahay pinoy ang mga komiks o mga babasahing nakakasira sa halip na nakakatulong sa balana.
Ay naku patawad po....napapasubo ako sa panitik dine e, gusto ko lamang pasalamatan kayo sa inyong magagandang lathalain. Patnubayan nawa tayo nang Poong Maykapal sa lahat ng banal nating adhikain. Ipagpatawad po at cafamfangan kasi ako kung mali man ang pagbagtas kong pangkalahatan.
Tat z po laman!
matapos mabasa ang iyong block talagang nagbigay ito ng ideya sa akin na mas magandang gamitin ang sariling wika.Napag-alaman ko na hindi madali para sa ilan na gamitin ito pero marami rin namang natutuwa sa ginawa ninyo.
muli ako poy humahanga sa inyong pagiging makabayan
Muli salamat at inyong block na nagbigay ng impormasyon sa lahat ng mambabasa.
Tata Romes Pasensya ka na't hindi na kita nasagot. ngayon ko lang nalamang may komento ka pala dito. Salamat po.
Anonymous Mabuti nama't kahit papaano'y nabigan kita ng magandang ideya. Medyo luma na itong lathalaing ito ah. Natutuwa ako't meron palang naghahalungkat ng aking mga itinatagong lathalain. Sana po ay magpakilala kayo sa susunod sa pamamagitan ng pagpirma sa inyong komento. Masarap pong malaman kung sino ang mga nagtyatyagang magbasa ng aking mga panulat.
Salamat po.
Post a Comment