Allow me to brag a bit. My daughter, Kim, a Sophomore student, is very good in memorizing lines. I discovered this when my poet friend, Arlene Lawson came for a visit from Canada. As poart of her itinerary I prepared during her stay was a visit with the family. I asked my children to prepare a short program. (From that time on, my children refuses to sing in front of me, I wonder why but I overheard my youngest son, Coby, saying "Hala ka, papakantahin ka ni Papa" ) My eldest, Kraiganne, sang an Astrud Gilberto song, entitled. "A Certain Sadness", my son, Mickey played Antonio Molina's "Hatinggabi" on the violin and to her surprise, Kim recited one of her recent poems. Totally unexpected, that made Arlene cry with joy and hugged Kim tightly.
Now I can talk about it. Kim prepared a speech as part of the requirements in her Filipino class. At first, she wanted me to write it for her but I said no. Told her to write it herself, and if need be, will try to correct it. As this was to be delivered in her class, and she wanted to get a high grade, I changed the tone of the speech and make it suit her personality. You see, although she's very friendly and amiable, she can be bitchy at times. That's what I banked on. Being "mataray" is so natural for her, so I adjusted the tone of the speech to that kind of personality. Taught her the proper inflections and gestures that go with the piece and voila, during presentation to her class, she got a perfect score. Not bad, eh? Well, because she did well in her class, she was one of the representatives for the Talumpatian that happened this morning. Guess what? She won second place! Her hard work paid off. Allow me to put the speech she delivered to posterity by putting it here. With your indulgence, here it is.
Wikang Filipino, susi nga kaya ng kapayapaan at pagkakaisa? Sa aking palagay, ang Filipino ay susi nga ng kapayapaan at pagkakaisa. Bakit? Kasi importante ang wika para makamtan mo ang kapayapaan. Kung walang wika, paano magkakaintindihan ang mga tao? Kung hindi nagkakaintindihan ang mga tao, paano tayo magkakaisa? Kung hindi tayo nagkakaisa, paano tayo magkaroon ng kapayapaan?
Mabuti na lang at may mga taong nagpahalaga ng pagkakaroon ng sariling wika. Si Manuel L. Quezon ang nagsabing Tagalog ang ating wikang pambansa. Magpasalamat tayo sa kanya kasi kundi dahil sa kanya, patuloy tayong magiging alipin ng ibang bansa.
Si Jose Rizal na siyang nagsulat ng tulang "sa aking mga kabata" ay nagsabing "ang hindi magmahal sa sarili nyang wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda".Ano nga ba ang ibig sabihin nito? iyon ay walang iba kundi,kung hindi ka marunong magmahal sa sarili mong wika,parang ikinakahiya mo ang iyong sarili. Tama bang ikahiya mo ang iyong sarili? Higit ka pa daw sa hayop at malansang isda kasi ang mga ito ay walang pakialam sa buhay at walang ibang ginawa kundi ang manginain lamang ng manginain. Ngayon, kung ikaw ay isang Filipino na hindi marunong magmahal sa kung ano at sino ka, hindi ba parang ikinahiya mo rin ang iyong sarili?
Paano tayo magkakaintindihan kung iba-iba ang wikang ginagamit natin? Marami ngang marunong mag ingles,pero ang lahat ba ay marunong? Bakit ba kasi hindi na lang magsalita ng sarili nating wika? Bakit kailangan pang gumaya sa iba? Oo nga’t magandang mag-aral ng ibang wika pero para mas mahalin mo ito kesa sa sarili mo? Hindi siguro. Yung iba ay naiintindihan ko kung hindi sila mahusay mag tagalog dahil lumaki sila sa ibang bansa. Pero kung dito ka rin lang lumaki,aba, dapat lang na mahusay kang magtagalog di ba? Nakakainis pa yung iba, "trying hard" talaga. Meron pang nalalaman na "lets make tusok-tusok to the fishball." Yung iba naman, kalimitan nilang sabihin ang "Im sorry I have to go na, my car is making potpot na e." Bakit? Ano ba’ng akala nila? Na pag mas magaling silang mag ingles kesa magtagalog e ang cool na nila? Hindi no!
Inuulit ko,hindi ko sinasabing huwag na tayong magsalita ng ibang wika. Ang sinasabi ko lang ay mahalin natin ang sariling atin nang umangat naman ang ating pagkakakilia sa ating sarili. Kung tayo mismoay ikinahihiya ang ating sarili paano pa tayo igagalang ng ibang tao? Kung meron lang sanang iisang wika ang bansa,hindi sana nagkaiba-iba ang pagtitinginan.natin sa isa’t isa. Ngunit dahil hindi ito ang nangyari, hindi lang nagkaiba-iba ang ating pananw sa buhay,pati na rin ang ating kultura at mga adhikain. Ito lang naman ang nilalayon sanang makamtan ni Quezon, ang magkaroon ng pagkakaisa ng adhikain,pananaw sa buhay at kulturang tunay na Filipino. Magandang umaga sa inyong lahat at maraming salamat po.
33 comments:
Isang pagpupugay sa kagalingan ng iyong anak, tito. kanino pa nga ba magmamana kundi sa dakilang itay?;) Tama nga, bagama't ang Pilipino ay nagpapamalas ng kagalingan sa ibang bagay, hindi natin dapat kalimutan ang unang elementong nagbubuklod sa ating lahat, ang ating wika.
congrats po! Where else could she have acquired the talent? Hehe! ^__^
~eri (mas madali na yung pag-type ng pangalan ko! ^__^)
Sang-ayon talaga ako, ang galing at kanino pa nga ba magmamana. Dito sa pagbi-Blog marami na akong napupuntahang site na ang hahaba ng entries at kadalasan nakakatamad basahin. Pero Tito Rolly sa tutoo lang yung mga entries mo kahit gaanong kahaba nakakaenganyong basahin, minsan nga parang bitin pa eh.
Kaya nga nasabi kong yung anak mo pareho lang kayo, ang ganda ng daloy ng pagsasaad nyo ng gusto nyong sabihin. Ang cute nga nung pagkakabanggit nya sa "Lets make tusok-tusok to the fishball".
Wow! How impressive! Your daughter is very smart, but I guess she can't help but be one, having you for a dad. Her message is also very profound. We do need to learn to be prouder of who we are as a people, and that includes being fluent in our language. It irritates me to no end when I meet pinoys here in the US who say, 'pasensia ka na, baluktot and Tagalog ko, I've been here five years na kasi eh'. Sa isip isip ko, 'eh bobo ka!'
sa kolehiyo ko lang talaga namahal ng tuluyan ang wikang filipino. bago nito ay hindi ko maiwasang magsalita sa wikang inggles sapagkat iyon ang sinasalita ng aking mga kaklase at mga guro. sa ngayon, tuluyang bumaligtad ang sitwasyon - sa aking pagsusulat ko na lang nagagawang magpalaganap ng ideya sa buong inggles. hindi ko man sinisisi ang pagbabagong ito, nakakalungkot lang isiping hindi maaaring isabay ang dalawang wika sa siryosong paraan. kailangan pang mamili.
Congratulations sa iyong Kim, Tito Rolly! Siguro hindi naman galing sa iyo lahat ang kanyang kahusayan. Ang aking palagay ay malaki din ang kontribyusyon ng iyong maybahay. Magaling din ang pagka-akda ng kanyang talumpati. Tayo nga lamang ang bansang hindi natutong ipagmalaki ang sariling wika. Tama ka, mas maraming gustong mag-ingles at ipinagpapalagay pa nga na tanda ng talino. Congrats ulet sa pagkapanalo ng anak mo! =)
Congratulations kay Kim! Mana talaga sa tatay niya. Parang na-overwhelm ako nang nabasa ko ang matuwid na talumpating Tagalog niya. Matagal na akong hindi nakakabasa ng purong Tagalog. Salamat Tito Rolly sa pag paskil mo nito.
Nahihirapan akong mag-explain sa aking mga Pilipino speaking kids kung bakit si Auntie so and so ay hindi na raw marunong magtagalog ng diretso kasi matagal na daw siya dito. “Ehem, mas sosyal kasi na English spokening ka anak”. “But mom, nahihirapan naman siyang mag-English. You’re both Pilipinos, bakit ka pa niya ini-English?” “Para sabihing matagal na siya dito anak(period)hehe”. “Mom, your point being???…” “Ah, just shatap! Hindi ko alam anak!”
Kidding aside, you have reasons to be ecstatic..and proud. Congratulations to you and to Tita J.
Ngiyee? Ba't ganoon ang aking comment? Do not use Microsoft Word for commenting..to those who want to type it first sa Word.
tito rolly,
naalala ko minsan sa application para sa trabaho may tanong tungkol sa language spoken.
Options:
English -US
English-Singapore
English-HK
English-China
Japanese
Chinese
etc.
walang Tagalog.Wla ring English-Philippines.
Paano nga ba ang English Singapore ani Tanggero?
Lagyan mo lang ng Lah sa huli.
Kagaya ng : If you like it so. LAH
Congrats to your Kim. The wifey must have conributed too sabi nga ni Doc Emer. Sa taray aspect kaya?
da pader and da mader are the greyt influwenses, bat da merit must be given to the dawter KIM, wu among aders, deliberd da greyt ispitch. CONGRATULATIONS!!!!
Ajay Salamat. Tama ka, ang tunay na pagbubuklod ay makikita kung iisa ang gamit na wika. madaling magkaintindihan kasi, di ba? Ganon nga kayang ka-simple yun? Maaari.
~eri ayan, napadali na nga ang pag type ng pangalan mo. Hindi naman sakin lahat namana. Remember, I am only a fraction of the equation. She has her mother, grandparents, uncles and aunties and a long lineage of ancestors. hehe
Santi Salamat. Pinataba mo ang puso ko. hehe Siguro kaya ganon kasi madali akong maintindihan. Hindi malalalim ang gamit kong salita at simple lang ang ideyang isinasaad ng bawat entry ko. Di naman kasi ako ganong kalaliman e.
JMom natawa ko dun a. Oo nga, bobo siya o mapagkunwari. Ang wikang unang natutunan ay mahirap ng makalimutan. Ang dami kong kaibigan na maski matagal na matagal na sa ibang bansa, ang galing pa ring magsalita ng wika natin. kahit kailan ay di nila ito ikinahiya.
Stani Ewan ko sa tungkol dun sa huli mong tinuran. I am a firm believer that the message is more important than the medium. Hanggat nagkakaintindihan kayo ng katalastasan mo. Mas okay kung kaya mong magdire-diretso sa gamit mong wika pero kung ikaw ay nahihirapan na at pareho lang naman kayong nagkakaintindihan, gamitin mo ang pinakamabilis at pinaka mabisang paraan ng komunikasyon. Ang mahirap kung ang kausap mo ay hindi nakakaintindi. Kung Pilipino rin lang naman, chances are sanay siya sa taglish. :-)
Doc Emer siyempre pa hindi sa akin galing lahat. As I said in one of my responses, I am only a fraction of what she really is. I don't know if you've heard that there are studies that show that intellectual ability, as a matter of fact, is inherited from the mother.
Celila Kusinera Paminsan-minsan, naglalagay ako sa Tagalog. Lalo na pag kinakapos na ng inggles. heheheMay napanood ako na sinabi nung artistang babae, "english is our language for the intellect, but we use Filipino for our emotions." Well, i think I paraphrased and lost the meaning somewhere but I think you get the picture. Ilang tao kaya ang kapareho natin na dalawa ang standards ng paglalahad ng isipan at damdamin, ano? Siguro yung mga bansang nasakop din ng matagal ng dayuhan.
Tingaling Ganyan din ang nangyari sa post kong nauna rito. Nagkawindang windang ang quotation marks. hehe Ang hirap i-explain sa mga anak natin ano? Lalo pa't sanay silang mangatwiran tulad ng mga anak mo. Nung tayo ang lumalaki, bawal mag-explain. Basta kailangan tanggap ka lang ng tanggap.
Cathy you hit a spot I have been contemplating about for quite sometime. Bakit nga ba ganon? is it because Filipinos can assimilate better? I don't know if you can see the relationship but even in music. During the 60's, sumikat sa States ang Samba and as a result nakilala sina CArlos Jobim, Astrud Gilberto. Tapos, sumikat din sila Carlos Santana... My theory is because they have a ready market. hindi kaagad nag-aasimilate ang mga latino and on the contrary, made their music known to the americans, who in turn caught on. E tayo, maghanap ka ng Filipino na nakikinig sa kundiman kahit dito sa Pilipinas. Bihirang-bihira kung mayron man. Di daw ito cool at outdated na. Okay, maraming lumabas na local artists ngayon pero kita mo ang impluwensiya ng west.
About the mom, mabibigla ka kaya kung sabihin ko sayong hindi samin namana yun. Although it sounds self-serving, pareho kaming friendly at amiable ng misis ko. As a matter of fact, bungisngis and misis ko, hehe
BongK yes, credit is Kim's alone. She made the piece and delivered it by herself. She keeps the medal and the certificate kaya dapat lang, i-blow out nya kami, hehe
:)
congrats to your daughter and her accomplishments :)
congrats to you for inspiring your daughter so
Wow!!! galing galing naman ni Kim!!! parang naiimagine ko nga syang nagtatalumpati habang binabasa ko yung speech nya!! kim ne kim!!! manang mana talaga sa nanay (hehehehe)!!! sabihin mo sa kanya congratulations!!!!
joan
Mec Been trying to access your site but it says your profile's not available. Thanks for the congratulations. i'll forward it to her.
Pepsi Oh okay, I think Kim got carried away when she said she got a perfect score in your class.
But what the heck, I am an easy person to please. Hmm, I agree with the Jose Rizal bit but what can one do? At this time, it's still the appropriate quote when language is discussed. Genius knows no time boundaries, You (as a listener) will just have to make some sacrifices, hehe
Bayi Oh yeah, you don't speak Filipino. Well, to make it short, the whole point is to love one's own language because that's who you have been, are and will always be. Well, something like that. Thanks for the compliment. I'll pass your word to Kim.
Jonix Nagkita kami ni Rochelle, finally! Kaya lang we jusst had a brief talk in Suzette's office. They were going to pick up Rochelle's sister and they were to leave the following day. Oh well, next year siguro pag uwi nyong lahat. Thanks.
hi tito rolly. belated na pero congratulations kay kim. i'm sure you are one proud dad. sayang, i wish i could hear her do her piece.
perhaps next time.
Ohhh really? Arlene came to the Philippines for a visit?! Wow, sana po dumaan kayong campus para nagkita tayo! Hehe. Would have been nice to see you and talk personally, especially when Arlene was around. Siempre, busy kayo noon. =) Next time po!
By the way, congrats to your talented daughter. Me pinagmanahan talaga! ;) Galing!
Belle
wow, how eloquent naman! and wonderful! even I am so proud of your daughter!
unless you came to the states (or anywhere outside RP) before you turned 7 years old, linguists say it is IMPOSSIBLE to forget your mother tongue. as jmom and ting-aling said -- it's either you're bobo or pa-sosyal.
my son who is 2 and 1/2 was born (and being raised) here in the states and he speaks FLUENT tagalog. if someone speaks to him in English, he answers in English. if someone talks to him in Tagalog, he answers in Tagalog. when his Lola talks to him in Spanish, he only answers in Spanish. all that and he's only 2 1/2 years old. at home, he only speaks Tagalog. he also loves and would prefer Filipino food unlike those pa-cute people who shuns our food because of the smell. ow, cmon!
nice to hear that about your kid tito. :)
i agree with what you said about the filipino language. actually, even if i write in english a lot since it's the "global language," for me, mas maganda talaga ang tagalog. iba ang power niya to express. ang daming words from tagalog na kapag itrinanslate hindi nakukuha ang ganda ng nais ipakahulugan.
sir!!! miki po! aba't may blog po pala kayo! haha. rika led me here. :) congrats po sa daughter niyo. and actually... sa lahat ng anak niyo. ang talented naman po masyado ng inyong pamilya! :)
Batjay Pag pumunta ka sa bahay namin, pipilitin ko lahat ng anak kong mag-contribute ng kung anng talent meron sila. hehehe Thanks.
Belle Yes, she did. She came over in 2000 to meet me. It's a long story but I'm sure you'll be inspired when you get to hear what we went through. We are practically soul mates now.
Oo, mana sa nanay nya. Thanks
Purple Girl mabuti naman at pinalalaki mo ang anak mo with Filipino. With it comes the values, e.
Rache Actually, that goes with the other languages as well. Talagang may nawawala in translation. But I agree with you, masarap pakinggan ang tagalog. Lalo na yung magagaling magsalita nito.
Miki Hi. Buti naman at napadaan ka dito. Ikaw ba wala ka bang blog? Sabihin mo sa kin kung meron at ili-link ko. Thanks sa pagdalaw, pagcomment and pagbati sa anak ko. Matutuwa siya.
Agree ako kay Anonymous, kung sino man siya. Lahat ng anak mo, Tito Rolly, nakakabilib! Ang sarap ng pakiramdam, ano? Para sa isang magulang parang "lifetime achievement award". :)
http://tabulas.com/~drizzle
feel free to visit, pero 'wag niyo na pong i-link :-D
tito rolly! haha! you recognized your own daughter's bitchiness...how cool is that. to see your chilren as they truly are without blinders on is a gift. to see their strenghts and weaknesses and turn the weakness into a strenght is a feat few parents can accomplish.'
Congratulations to your daughter! I'm sorry i couldn't read the whole piece. Gave up after the first 2 paragraphs. Need to polish my tagalog reading.
sir congrats bout kim! She was really good! natawa nga kami sa mga ibang parts (yong konyo..)
WHAT U HAVE DONE KIM IS GREAT......
great, ang galing,,taas noo,,pinoy tayo
wow!!!
what a coincidence...
...may talumpati naman po kami sa saturday, class presentation din...ang difference lang kukuha lang kami sa internet ng piece na gusto namin, then i-pepresent lang...
...gusto ko din na makakuha ng mataas na grade...
...ang galing mo kim!!!...
...Model Filipino Youth...
...pareho tayo...may katarayan din ako...hehehe...
Post a Comment